(Ikinasa ng DOLE) TRABAHO SA NASALANTA NI ‘ODETTE’

MAGKAKALOOB ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng emergency employment sa informal sector workers sa mga komunidad sa Visayas at Mindanao na sinalanta ng bagyong Odette.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, naglaan ang ahensiya ng P100 million para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Ang TUPAD program ay isang community-based package of assistance na magkakaloob ng temporary wage employment sa displaced workers, underemployed, at self-employed workers.

“At least P25,000 will be allocated to informal sector workers in the areas including Western, Central, Eastern Visayas, Northern Mindanao, and Caraga regions,” ani Bello.

Aniya, ang bawat rehiyon ay tatanggap ng P20 million para sa emergency employment ng 5,000 benepisyaryo.

Workers, particularly those in the informal sector, will be given emergency employment for 10 days.

“They will help in clearing, de-clogging of canals, debris segregation, materials recovery, and other activities needed in the rehabilitation of their communities,” wika ni Bello sa isang statement.

“Through this engagement, they will not only earn money but also help rebuild their lives and locality,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Bureau of Workers with Special Concerns Director Ma. Karina Perida-Trayvilla na ipo-profile ng ahensiya ang mga apektadong komunidad para matukoy ang mga karapat-dapat na benepisyaryo.

“The TUPAD program is institutionalized. This is what we implement every time there is a calamity, typhoon, and disasters, including human-made calamities. We will profile those affected by the calamity, particularly our informal sector workers,” ani Perida-Trayvilla.