(Ikinasa ng DOLE) TRABAHO SA QUAKE VICTIMS

NAGLABAS ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng paunang P50 milyon para mabigyan ng emergency na trabaho ang mga taong nawalan ng tirahan sa magnitude 7.0 na lindol na tumama sa lalawigan ng Abra noong Miyerkoles.

“In particular, we are rolling out the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (Tupad) program for the quake victims,” ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Ang Tupad ay isang emergency employment program na naglalayong pagaanin ang masamang epekto sa ekonomiya ng mga natural na sakuna tulad ng lindol at emergency sa kalusugan, at iba pa.

Pinakanaapektuhan ng lindol ang Region 1 (Ilocos) at ang Cordillera Administrative Region (CAR).

Sinabi ni Laguesma na hinahangad din ng DOLE na mabigyan ng trabaho ang mga survivor sa lindol na nawalan ng trabaho sa pamamagitan ng Public Employment Services Office.

“The activity will include referral, placement, and the conduct of special risk allowance and job fairs in the region,” ayon kay Laguesma.

Nag-deploy ang DOLE ng 800 manggagawang pang-emergency upang suriin ang mga aplikante sa mga apektadong lugar.