(Ikinasa ng DTI sa ECQ areas) LIVELIHOOD, LOAN PROGRAMS

Ramon Lopez

NAKAHANDA ang Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan ang mahihirap na komunidad na maaapektuhan ng two-week enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, sa kasalukuyan ay namamahagi ang ahensiya ng livelihood kits sa mahihirap na komunidad sa buong bansa.

Aniya, ang regional at provincial offices ng DTI ay namamahagi ng livelihood kits na nagkakahalagang PHP5,000 hanggang PHP10,000 bilang grants sa mga nais magsimula ng kanilang sariling negosyo tulad ng sari-sari store at carinderia.

Sa kasalukuyan, ang DTI ay nakapagkaloob na ng livelihood kits sa mahigit 57,000 benepisyaryo.

Ang financing arm ng DTI — ang Small Business (SB) Corp. — ay nagkakaloob din ng zero-interest loans para sa mga umiiral na micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Ani Lopez, ang Covid-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program ay nakapaglabas na ng mahigit sa PHP5 billion na halaga ng loans sa MSMEs na naapektuhan ng pagsasara ng mga negosyo dahil sa lockdowns sa gitba ng pandemya.

Patuloy, aniya, na ipinatutupad ng SB Corp. ang naturang proyekto, at ang mga apektadong MSMEs dahil sa panibagong ECQ sa Metro Manila ay maaaring mag-avail ng programa.

“Every year, SB Corp. has PHP1.5 billion budget,” ani Lopez. PNA 

Comments are closed.