(Ikinasa ng Japan, ILO) $2.2-M PROJECT SA MSMES

Khalid Hassan

ILULUNSAD ng International Labor Organization (ILO) at ng pamahalaan ng Japan ang isang $2.2 million project para suportahan ang ligtas na pagbabalik sa trabaho ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa Filipinas na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa ILO, layon ng bagong proyekto na “Bringing back jobs safely under the COVID-19 crisis in the Philippines: Rebooting small and informal businesses safely and digitally” na gawing mas ligtas, digitalized at produktibo ang mga workplace na makatutulong para makabangon ang mga negosyo.

Ang gobyerno ng Japan ang magpopondo sa 1-year project.

“Urgent measures are critical to support them in dealing with the impact of COVID-19, and to build back better and safer. We need to also help people access safe and decent jobs in their own town,” pahayag ni Director Khalid Hassan ng ILO Country Office for the Philippines.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2019, 99.5 porsiyento ng mga negosyo sa bansa ay MSMEs habang  0.5 porsiyento lamang ang mala-laking kompanya.

Ayon sa ILO, nasa 7 mula sa 10 manggagawa ang ineempleyo ng MSMEs sa bansa at nag-aambag sa 40 porsiyento ng GDP.

Nang tumama ang pandemya noong nakaraang taon ay maraming maliliit na negosyo ang pansamantalang nagsara. May ilan namang nagbawas ng empleyado, habang ang iba ay tuluyan nang nagsara.

“Micro, small and medium enterprises are crucial to economic recovery. Occupational safety and health should be top priority to sustain jobs and businesses in the new normal environment. This includes ensuring a safe return to work, digitalized operations, and safer and more productive workplaces,” wika ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa.

Sinabi pa ng ILO na susuportahan ng proyekto ang mga manggagawa at employer at ang kasalukuyang COVID-19 response programs tulad ng National Employment Recovery Strategy (NERS) at Decent Work Country Programme (DWCP) ng bansa.

3 thoughts on “(Ikinasa ng Japan, ILO) $2.2-M PROJECT SA MSMES”

  1. 383685 461964Thoughts speak within just around the web control console video clip games have stimulated pretty specialist to own on microphone as well as , resemble the perfect tough guy to positively the mediocre ones. Basically fundamental difficulties in picture gaming titles. Drug Recovery 200658

Leave a Reply

Your email address will not be published.