(Ikinasa ng Piston sa Dis. 14-15) 2-ARAW NA NATIONWIDE TRANSPORT STRIKE

MAGSASAGAWA ang transport group Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) at ang kanilang mga kaalyado ng 2-araw na malawakang tigil-pasada ngayong linggo.

Ayon sa Piston, ang nationwide transport strike ay itinakda sa Huwebes, Disyembre 14, at Biyernes, Disyembre 15.

Ang isasagawang tigil-pasada ay bilang protesta pa rin sa December 31 deadline na itinakda ng gobyerno para sa PUV consolidation na magreresulta umano sa disenfranchisement ng maraming jeepney operators at  drivers.

Binigyan ng pamahalaan ang mga jeepney operator ng hanggang  Disyembre  31 ngayong taon upang magparehistro para sa  modernized public utility vehicles bilang bahagi ng modernization program.

Lalahok sa tigil-pasada ang mga kaalyadong grupo ng Piston sa Central Luzon at Southern Tagalog. Sasali rin sa strike ang Militant labor group Kilusang Mayo Uno (KMU).

Ang Piston at iba pang transport groups ay nauna nang nagsagawa ng three-day transport strike bilang protesta sa PUV Modernization Program noong Nobyembre.

Nagbabala si Piston national president Mody Floranda na posibleng magkaroon ng transport crisis kapag hindi na pinayagan ang traditional jeepneys na magrehistro sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). “Pag-aralan nila kung ano ‘yung magiging epekto nito sa hindi lamang sa hanay ng driver/operator kundi sa ating ekonomiya at sa ating mamamayan sapagkat. May effect saa ting ekonomiya kapag nawala ang mga traditional jeepney,” aniya.

EVELYN GARCIA