NAGPATUPAD ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng total deployment ban ng overseas Filipino workers sa Ethiopia.
Sa gitna ito ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Ethiopian goverment at ng insurgents.
Sa ilalim ng Governing Board Resolution No. 12, series of 2021, inaatasan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na magkaroon ng plano kung paano pauuwiin ang lahat ng Pilipino mula sa nasabing bansa.
Matatandaang noong November 8, unang itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa Ethiopia.
Sinabi ng United Nations na libo-libo na ang namatay dahil sa kaguluhan at nasa 400,000 indibidwal ang nakararanas ng matinding gutom sa naturang bansa. DWIZ 882