(Ikinasa ng transport groups sa Peb.1) BUSINA VS JEEPNEY PHASEOUT

Efren de Luna

ISANG caravan protest ang ikinasa ng iba’t ibang transport groups sa Pebrero 1 bilang pag- tutol sa patuloy umanong pang gigipit sa kanilang kabuhayan mula pa nang pumutok ang COVID-19 pandemic.

Ang caravan na tatawaging ‘Busina Laban sa Jeepney Phaseout’ ay lalahukan ng UP Transport Group, Alliance of Concerned Transport Organizations, Pinag-isang Samahang Driver Operator Pasig-Pateros-Marikina (PISDOPAMMA), Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), at iba pang grupo tulad ng League of Filipino Students-UP Diliman.

Ang mga grupo ay magtitipon-tipon sa alas-12 ng tanghali sa Quezon Hall ng UP Diliman at sabay-sabay na magtutungo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para magsagawa ng kilos-protesta.

Labis ang pagtutol ng mga transport group sa jeepney phaseout dahil papatayin umano nito ang kabuhayan ng mga tsuper.

Sinabi ni Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) national president Efren de Luna na wala naman silang pagtutol sa jeepney modernization program pero hindi umano kailangang idikta ng pamahalaan kung anong uri ang dapat na ipalit.

Aniya, sa ilalim ng jeepney modernization program ay mapipilitan ang mga driver  at operator na magpalit ng e-jeepney na nagka-kahalagang P1.3 milyon hanggang P2.4 milyon.

3 thoughts on “(Ikinasa ng transport groups sa Peb.1) BUSINA VS JEEPNEY PHASEOUT”

  1. 186238 342674I like what you guys are up also. Such intelligent work and reporting! Keep up the superb works guys Ive incorporated you guys to my blogroll. I believe itll improve the value of my site . 70029

  2. 161500 274243Currently it seems like BlogEngine could be the very best blogging platform out there proper now. (from what Ive read) Is that what youre making use of on your blog? 904752

Leave a Reply

Your email address will not be published.