PASAY CITY – NAHARANG ang isang Chinese national at kasamang Filipina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos magpanggap na mag-asawa at nagtangkang makalabas ng bansa patungong China.
Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, OIC Deputy Commissioner at BI Port Operations Chief Marc Red Mariñas, pasakay na sana ang dalawa sa Cebu Pacific flight patungong Xiamen nang maharang sila sa NAIA Terminal 3.
Sinabi naman ni Senior Immigration Officer Julius Caesar Feria, pinuno ng BI’s Travel Control and Enforcement Unit, na kahina-hinala ang ikinilos ng dalawa nang dumaan sila sa inspeksiyon sa immigration counter dahilan para sila ay mabuking na nagpapanggap lamang na mag-asawa.
Hindi naman binanggit ang pangalan ng Pinay dahil bawal alinsunod sa anti-trafficking law.
Lumalabas naman sa iprinisintang marriage certificate ng dalawa na ikinasal sila sa loob ng isang travel agency sa Divisoria. Itinurn-over na ito sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa imbestigasyon. PAUL ROLDAN
Comments are closed.