MAGLALAAN ang Asian Development Bank (ADB) ng $10 billion na climate finance para sa Pilipinas sa susunod na limang taon.
Ayon kay ADB President Masatsugu Asakawa, ang programa na inaasahang ipatutupad sa pagitan ng 2024 at 2029 ay makatutulong sa climate commitments ng bansa sa ilalim ng Paris Agreement.
“The battle against climate change will be won or lost in Asia and the Pacific and nowhere is this more evident than in the Philippines,” sabi ni Asakawa.
Ayon sa ADB, ang funding ay bahagi ng bagong programa na binubuo ng multilateral lender para sa Pilipinas upang suportahan ang low-carbon transport, renewable energy, development ng carbon markets, flood management, resilient coastal development, food security, at adaptive health and social protection.
Sinabi ng ADB na kabilang ang Pilipinas sa mga bansa na ‘most vulnerable’ sa mga epekto ng climate change.
“The Global Climate Risk Index ranked the Philippines fourth in terms of countries most affected by extreme weather globally from 2000 to 2019.” anang ADB.