(Ilalabas ng DTI) BAGONG SRP PARA SA NOCHE BUENA ITEMS

DTI-LOGO-3

MAGLALABAS  ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong suggested retail price (SRP) para sa mga produkto na inihahanda sa Kapaskuhan.

Ayon kay Trade Asec. Anne Cabochan, gagawin ito pagkatapos ang diyalogo nila sa mga manufacturer kung maaring babaan lang ang ipapatupad na taas-presyo o ipagpaliban na lamang ito.

“We are closely coordinating with the manufacturers. There were requests for the seasonal products like Noche Buena products. Time and again, they have been very accommodating to our request for lower price hikes, and at time they were generous enough in not increasing the prices,” pahayag ni Cabochan.

Sinabi pa nito na may mga hirit para sa pagtaas ng presyo at karaniwang dahilan ay ang mataas na halaga ng produktong petrolyo, mataas na halaga ng transportasyon at ang pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar. RIZA ZUNIGA