(Ilalabas ng DTI sa Okt.-Nob.)SRP SA NOCHE BUENA ITEMS

noche buena

HABANG papara­ting ang “ber” months, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na malapit na nitong ilabas ang suggested retail prices (SRPs) ng Noche Buena items.

“Maglalabas tayo ng Noche Buena bulletin siguro mga last week of October or early November para magabayan ang mga mamimili kung magkano lang talaga ang dapat na presyo na binibili nila para sa Noche Buena,” wika ni DTI Undersecretary Ruth Castelo sa isang public briefing nitong Huwebes.

Ang SRP ng karamihan sa Noche Buena products ay hindi nagbago noong nakaraang taon at may ilang pang bumaba.

Kabilang sa mga item na ito ang ham, cheese, keso de bola, sandwich spread, mayonnaise, pasta noodles, spaghetti sauce, at tomato sauce.

Pinayuhan ng DTI ang mga consumer na maagang mag-stock ng ilang items habang mababa pa ang presyo.

“Marami pong Christmas products na hindi naman agad agad nag-e-expire,” ani Castelo. “So kung kaya rin natin na mag-ipon na o mag-stock na ng mga ganitong produkto, puwede na tayong mamili habang di pa gumagalaw ang presyo.”

Pinayuhan din ng ahensiya ang mga shopper na i-check ang promo bundles ng ilang produkto para makatipid.