NAKATAKDANG ilunsad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong araw ang isang programa na magkakaloob ng tulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Inihayag ni DPWH Acting Secretary Roger Mercado ang bagong inisyatibo ng Kagawaran na tinaguriang Assistance to Youth and Unemployed for Development and Advancement (AYUDA) Program.
Layon ng programa na tugunan ang nakaaalarmang unemployment rate sa bansa.
Ayon kay Mercado, bagaman niluwagan na ng gobyerno ang mga restrictions sa mga negosyo, hindi pa rin nagtatapos ang pandemya at marami pa rin ang walang hanapbuhay.
Aarangkada ang AYUDA Program sa 16 na DPWH regional offices at 189 District Engineering Office sa buong bansa.
Ang mga benepisyaryo ay magtatrabaho bilang street sweepers, tagalinis ng street signs, taga-hakot ng basura at taga-pintura ng concrete barriers. DWIZ 882