ILANG araw bago ang Pasko ay nagsimula nang tumaas ang presyo ng lechon sa La Loma, Quezon City.
Nasa P500 hanggang P1,000 ang iminahal ng kada piraso ng lechon.
Ayon sa pahayag ng mga tindero ng lechon, ang presyo ay nakadepende sa laki kung saan ang isang lechon mula sa La Loma ay maaaring magkahalaga ng P6,500 hanggang P15,000
Karaniwan umanong tumataas ang presyo ng lechon kapag Disyembre dahil sa pagtaas ng demand sanhi ng Christmas parties at family gatherings.
Ngunit kumpara noong nakaraang taon, sinabi ng mga nagtitinda na halos pareho lamang ang presyo.
Ayon pa sa mga nagtitinda, ang kalidad ng mga baboy ngayong taon ay mas maganda kumpara noong nakaraang taon. Inaasahang tataas pa ang presyo ng lechon habang papalapit ang Noche Buena dahil karamihan sa mga pamilyang ay bumibili ng lechon sa mismobng bisperas ng Pasko at Bangong Taon.
EVELYN GARCIA