(Ilang araw bago ang Valentine’s Day) PRESYO NG BULAKLAK DUMOBLE

TUMAAS na ng hanggang 100 porsiyento ang presyo ng bulaklak, ilang araw bago ang Valentine’s Day.

Sa ulat ng GMA News Online, sa Farmers Garden sa Araneta City, Cubao, Quezon City, ang isang dosena ng pulang rosas ay mabibili ngayon sa P1,500 mula sa dating P700.

Ang presyo ng kalahating dosena ng rosas ay nasa P1,000 na ngayon, mula sa dating P500.

Ang isang piraso ng sunflower ay nagkakahalaga ng P500, tumaas ng P100 mula sa dating presyo nito.  Ang tatlong sunflowers ay nagkakahalaga ngayon ng P2,000, mula sa dating P1,300.

Ang presyo ng assorted bouquet ay nasa P1,500 mula sa dating  P700.

Samantala, dumoble rin ang presyo ng isang  special bouquet na mula P1,000 ay nagkakahalaga ngayon ng  P2,000.

Inaasahang tataas pa ang presyo ng bulaklak habang papalapit ang Valentine’s Day.