(Ilang araw bago ang Valentine’s Day) PRESYO NG BULAKLAK TUMAAS

NAGMAHAL na ang bulaklak sa Dangwa flower market sa Maynila, mahigit isang linggo pa bago ang Valentine’s Day.

Ayon sa mga vendor, tumaas ang presyo ng bulaklak dahil sa mataas na singil na ipinapasa ng mga supplier.

Ang bouquet ng red roses ay nagkakahalaga na ngayon ng P1,300 mula sa naunang presyo na mula P500 hanggang P600, habang ang isang dosenang red roses ay nagkakahalaga ng P1,000 mula sa dating P300 hanggang P400.

Tumaas na rin ang presyo ng iba pang bulaklak tulad ng pink roses na nagkakahalaga na ngayon ng P900 kada bouquet, mula sa dating P300 hanggang P400.

Samantala, ang presyo ng sunflower ay tumaas sa P600 hanggang P700 kada bouquet mula sa dating P500.