(Ilang araw makaraang mambugbog ng masahista) MAYOR NA ‘IBINIBIYAHE’ INAMBUS

pinagbabaril

MISAMIS ORIENTAL– PATAY sa pananambang habang nasa kustodiya ng mga pulis sa Cebu City si Clarin, Misamis Oriental Ma­yor David Navarro na dadalhin sana sa pro­secutors’ office para sa inquest proceedings.

Si Navarro ay unang naaresto hapon ng Huwebes sa Mactan Cebu International Airport makaraang ireklamo dahil pananakit sa isang masahista.

Kahapon sa inisyal na ulat na nakalap sa Cebu City-PNP ay inambus si Navarro habang may kasama itong dalawang police escorts at ibi­nibiyahe sa bahagi ng M. Velez Street kaugnay sa kasong act of lasciviousness at physical injury.

Kinumpirma ni Brig. Gen. Valeriano De Leon, Police Central Visayas director, ang pananambang sa alkalde at escort nito subalit walang idi­netalyeng inilabas dahil sa kasalukuyang iniimbestigahan ang kaso.

Nakasuot pa ng bullet proof vest ang alkalde subalit natagusan din ng bala sa kanyang katawan.

Ayon sa mga nakasaksi, nakita nila ang apat na nakamaskara na lalaki na sinalubong at pinaulanan ng bala ang van sakay ang alkalde.

May nakakita rin na nilapitan pa ng suspek ang alkalde at saka binaril.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.