Inaasahan na makararanas ng pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Bulacan at Batangas, pati na rin ang Pasig City sa Metro Manila sa Agosto 11 dahil sa mga nakatakdang maintenance.
Ayon sa mga abiso na ipinost ng Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang website, papalitan nila ang mga pasilidad sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) Northbound sa Bocaue at Balagtas sa Bulacan.
Maaapektuhan mula 1:00 hanggang 1:30 ng madaling araw at mula 5:30 hanggang 6:00 ng umaga ang:
– Bahagi ng P. Castro St. mula Intan St. hanggang sa A.J. Bathan Store; Sta. Cruz Village, Silverio Compound at St. Francis Subd. sa mga Barangay Borol 1st at 2nd sa Balagtas.
– Bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) East Service Road mula Dalig Road hanggang sa Shell – NLEX Northbound, Delifrance, Burger King, Starbucks, Chowking, Kenny Rogers Roasters, KFC Restaurant, Jollibee, Hen Lin, at Max’s Restaurant sa Barangay Borol 2nd, Balagtas.
– Bahagi ng Dalig Road mula North Luzon Expressway (NLEX) East Service Road hanggang Sta. Catalina de Alexandria Chapel; Rasheen Homes Subd. at Divine Grace Village 2; at Karuyan Sts. sa mga Barangay Borol 2nd, Dalig, at Pulong Gubat sa Balagtas.
– Bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) East Service Road mula Meralco – Sta. Maria substation malapit sa Gov. F. Halili Ave. sa Barangay Tambobong, Bocaue hanggang malapit sa Shell – NLEX Northbound, kasama ang Petron Express Center, KFC Restaurant, Chowking, Starbucks, Petron Treats, Petron Car Care Center (CCC) at McDonald’s sa mga Barangay Borol 2nd at San Juan sa Balagtas.
Magkakaroon din ng mga gawain ng maintenance sa loob ng Meralco – Tabang substation.
Maaapektuhan mula 5:00 hanggang 7:00 ng umaga ang:
– Bahagi ng Lucero at Jacinto Sts. mula malapit sa Anchor Baptist Church hanggang Canlapan St., kabilang ang Caniogan Subd., Menzy Village, Valcres Subd., Fausta Village, Jose Sionson Subd., Sitio San Roque, at Purok 1, 3, 4, 5 & 6; Inang Wika, Kabihasnan, Paraluman, M. Crisostomo, Tanjeco, Valencia, Matadero, at T. Alonzo Sts.; Jollibee, Mercury Drug, Maunlad Mall, Malolos Cathedral, Malolos Public Market, Immaculate Conception School for Boys (ICSB), Malolos Resort Club Royale, at Diwata Plastic sa mga Barangay Caniogan, Cofradia, Mabolo, Sumapang Matanda, at City Proper sa Lungsod ng Malolos.
Sa Batangas, maaapektuhan mula 1:00 ng madaling araw hanggang 6:00 ng umaga ang:
– Bahagi ng Batangas Diversion Road mula Meralco – Batangas Substation Road hanggang Batangas Diversion Road Rotonda kasama ang Total Gas Station, Malayan Towage & Salvage Corp. Batangas Hub, Hino Batangas, Isuzu Batangas City, Batangas City Grand Terminal, Shopwise Batangas City, XentroMall Batangas, Batangas Healthcare Specialists Medical Center, Wilcon Depot, McDonald’s, Shakey’s, United Doctors of St. Camillus De Lellis Hospital & Medical Center, at Shell Gas Station sa mga Barangay Alangilan, Balagtas, Banaba South, at Bolbok.
– Bahagi ng Pres. Jose P. Laurel Highway mula Batangas Diversion Road Rotonda hanggang at kasama ang Balagtas Elementary School sa Barangay Balagtas.
Sa Pasig City, maaapektuhan mula 9:00 hanggang 9:30 ng umaga at mula 2:30 hanggang 3:00 ng hapon ang:
– Bahagi ng Eulogio Rodriguez Jr. Ave. (C-5 Road) mula Nissan – Pasig hanggang kasama ang Eagle, P. E. Antonio, at Jose C. Cruz Sts.; SEAOIL C-5 Pasig, Subaru Pasig, Foton Chery, at SM Gem Residences.
– Bahagi ng Jose C. Cruz St. mula Eulogio Rodriguez Jr. Ave. (C-5 Road) hanggang malapit sa F. Legazpi St., kasama ang Altus Communications KTB Industries at Color Commercial Packaging.
– Bahagi ng P. E. Antonio St. mula Eulogio Rodriguez Jr. Ave. (C-5 Road) hanggang kasama ang Bernal, Santos, Jose, R. Espiritu, M. Espiritu, at C. P. Santos Sts.; The PAREB Centre, Rowell Lithography & Metal Closure, Kasara Urban Resort Residences, Acommerce Compound, Tancho Corp., at Timezone Compound.
Ang Meralco ay magsasagawa rin ng pagpapalit ng mga hazardous na poste at reconstruction ng mga linya sa kahabaan ng C. J. Caparas St. sa Barangay Ugong sa Pasig City.
RUBEN FUENTES