ILANG BAHAY, SASAKYAN SA ALBAY NATABUNAN NG LAHAR

ILAN pang indibidwal ang nananatili sa evacuation center sa Albay makaraan ang pananalasa ng Bagyong Kristine na nagsimula noong Martes.

Una nang  ipinag-utos  ng Local government units ng Albay ang sapilitang paglilikas sa mga residenteng dadaanan ng lahar, landslides at baha dahil sa pananalasa ng tropical storm Kristine.

 Agad nang pinalikas ang mga residente bago  alinsunod sa  kautusan ni acting Albay governor Glenda Bongao.

 Nauna nang nagpalabas ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pag-agos ng lahar sa mga lugar malapit sa Bulkang Mayon at mga ilog dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Sa babala ng Phi­volcs, maaaring umagos ang lahar  sa mga lugar sa Mi-isi at Binaan sa Daraga; Anoling sa Camalig; Quirangay, Maninila, Masarawag, at Muladbucad sa Guinobatan; Nasisi sa Ligao City; Mabinit, Matanag, Bonga at Buyuan sa Legazpi City; Basud at Bu­lawan sa Sto. Domingo.

Kaugnay nito, ilang kabahayan at mga  sasakyan ang natabunan ng debris mula sa lahar flow sa  Barangay Masarawag, Guinobatan, Albay ang nalubog na sa lahar.

Nagsimulang rumagasa ang lahar nitong Martes ng gabi dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan na dala ni Kristine.

 Sa Daraga, Albay,  umagos na rin ang lahar sa mga ilog sa Barangay Salvacion.

EUNICE CELARIO