INABUTAN na ng pagkapaso o expiration ang ilang bakuna kontra COVID-19 at maraming iba pa ang malapit na ring masayang.
Kinumpirma ito ni National Vaccination Operations Center Chairperson Health Undersecretary Myrna Cabotaje.
Ayon kay Cabotaje, kabilang sa mga bakunang nasira na ay galing sa mga donasyon gayundin sa mga binili ng national government, local government units at pribadong sektor.
Sinabi ni Cabotaje na patuloy ang ginagawa nilang validation kung ilang doses ng bakuna ang apektado ng expiration.
Ang iba kasi aniya sa mga bakunang ay may kahilingan pa sa Food and Drug Administration (FDA) para sa extension ng shelf life upang magamit pa sa susunod na ilang buwan.
Tiniyak naman ni Cabotaje na kanilang iaanunsiyo ang kabuuang bilang ng bakunang na-expire at malapit nang mapaso sa sandaling matapos nila ang pagsusuri sa mga ito. Jeff Gallos