ILANG BAR EXAMINEES DINISKWALIPIKA NG SC

AGAD  na diniskwalipika ng Supreme Court (SC) ang ilang examinees sa online 2020-2021 Bar examinations.

Ayon sa SC, nilabag ng mga examinee ang ilang polisiya at honor code na inilatag para sa nasabing pagsusulit.

Anila, nakatanggap ang Office of the Bar Chairperson ng ulat na ilan sa mga examinee ay hindi umamin na nagpositibo sila noon sa COVID-19 habang ang ilan ay nagpuslit ng mobile phones sa loob ng examination room at nag-access ng kanilang social media habang lunch break.

Inihayag din ng pamunuan na nasa dalawang daan at labing siyam na examinees ang hindi nakapag-exam matapos magpositibo sa COVID-19. DWIZ882