ILANG BARANGAY HALL SA CALOOCAN GINIBA

brgy hall

PINANGUNAHAN nina Mayor Oca Mala­pitan, Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) Chairman Danilo Lim at General Manager Jojo Garcia ang paggiba sa ilang barangay halls sa lungsod ng Caloocan na apektado ng Task Force “Alis Sagabal.”

Kasama sa mga gini­ba ay ang barangay hall ng Barangay 137 kung saan mismo residente si Mayor Oca.

“Ito ay patunay lamang na ginagawa lamang natin ang ating trabaho sa ilalim pa rin ng kautusan ng ating Pangulong Duterte na ibalik sa tao ang sidewalks,” ani Mayor Oca.

Binati naman ni Chairman Lim at General Manager Garcia si Ma­yor Oca sa magandang programang isinasagawa niya sa lungsod. “Naa-appreciate natin ang ginagawa ni Mayor Oca sa Caloocan.

Bago pa man ang kautusang ito, alam natin na nililinis na ni Mayor Oca ang Caloocan simula nang maupo siyang ma­yor noong 2013,” paha­yag ni General Manager Garcia.

“Ang lungsod ng Caloocan sa panguguna ni Mayor Oca ay nakikipagtulungan para masolusyonan ang problema natin sa trapiko upang mas maging progresibo ang lungsod,” dagdag ni Chairman Lim.

Patuloy pa ring hinihikayat ni Mayor Oca ang mga mamamayan na makiisa at sumunod para sa mas maayos na pagsasagawa ng clearing operations. EVELYN GARCIA

Comments are closed.