ILANG BAY SA NEGROS ORIENTAL POSITIBO SA RED TIDE

ITINAAS ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alert sa ilang bay sa Negros Oriental.

Ayon sa BFAR Negros Oriental, nagpositibo sa red tide toxins and mga shellfish mula sa Tambobo Bayat Siit Bay sa bayan ng Siaton.

Nanatili naman ang red tide alert sa Bais Bay dahil mataas pa rin ang red tide toxin sa lugar.

Ipinagbabawal ng BFAR ang panghuhuli, pagbebenta at pagkain ng shellfish at alamang sa naturang mga lugar.

Umapela na ang BFAR sa local government units (LGUs) na tumulong sa pagpapatupad ng shellfish ban para maiwasan na may malason sa pagkain nito.

Lumabas ang resulta ng laboratory na may mataas na level ng nakalalasong algal blooms (HABs) ang naturang bay mga sa Negros Oriental.

Ayon kay BFAR Negros Oriental chief Florencia Mepaña, natanggap nila ang kopya ng resulta ng laboratory nitong Nobyembre 5 ,Martes mula sa mga kinolektang samples ng shellfish sa Tambobo Bay at Siit Bay sa Siaton noong nakaraang buwan.

“The shellfish tested positive of saxitoxin that causes paralytic shellfish poisoning and this is even deadlier than other algae species like pyrodinium that are harmful to humans,”sabi ni Mepaña. Ma. Luisa Macabuhay- Garcia