PARA mapabilis ang pagde-deliver ng serbisyo sa mga bayan at barangay lalo na sa pagpoproseso ng business documents ng micro, small, medium enterprises (MSMEs), magtatayo ang DTI VI ng dagdag na Negosyo Centers (NCs) sa mga probinsiya ng Iloilo at Negros Occidental, ngayong taon.
Sa probinsiya ng Negros Occidental, may kabubuang 10 NCs ang itatayo sa mga bayan ng Calatrava, Candoni, Ilog, Manapla, Moises Padilla (Magallon), Murcia, Pulupandan, Salvador Benedicto, Toboso at Valladolid. Kapag natapos, magkakaroon ang probinsiya ng presensiya ng NCs sa lahat ng 19 nilang bayan at 13 siyudad.
Sa probinsiya ng Iloilo, siyam pang NCs ang itatayo sa mga bayan ng Balasan, Alimodian, Badiangan, Duenas, Dumangas, Igbaras, Janiuay, New Lucena at San Dionisio. Sa pagtatapos ng taon, maaaring nakapagtayo na ang probinsiya ng kabuuang 37 NCs.
May mandato ang Go Negosyo Act o Republic Act No. 10644 na magtayo ng NCs sa madaling puntahang lokasyon sa siyudad at bayan para makatulong sa mga negosyante o mga magiging negosyante para mapalago ang kanilang mga negosyo.
Nakatutulong ang Center ng MSMEs sa pagpoproseso ng business requirements tulad ng pagkuha ng registration, business license, at pagkuha ng technical, financial, at business management assistance, ang ilan sa mga ito.
Noong nagdaang taon, ang probinsiya ng Guimaras ay nakakumpleto ng pagtatayo ng NCs sa lahat ng kanilang limang bayan. Sa probinsiya ng Aklan (17 bayan), Antique (18 bayan) at Capiz (17 bayan) ay nakatapos na ng pagtatayo ng NCs sa lahat ng kani-kanilang bayan noon pang 2018.
Para sa Region VI, magkakaroon ng kabuuang 147 NCs na nakatakda sa iba’t ibang bayan kasama ang nakatayo na sa provincial government offices at sa DTI provincial offices, pagdating ng Disyembre 2020.
Comments are closed.