QUEZON-LUMUBOG sa tubig baha ilang bahagi ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Canda Ibaba sa bayan ng Lopez.
Ito ay dahil pa rin dinanas na matagal at malakas na pagbuhos ng ulan sa maraming bahagi ng bansa kabilang ang Southern Quezon dahil sa bagyong Pepito.
Ayon kay Mel Avenilla, head ng Quezon PDRRMO,nagsimulang tumaas ang tubig baha sa ilang bayan ng lalawigan ng Quezon simula pa noong Lunes ng umaga.
Dahil dito, hindi madaanan ang nasabing bahagi ng highway sa Lopez,Quezon at maraming motorist na ang stranded sa magkabilang dulo ng binahang kalsada na nasa mahigit isang kilometro rin ang haba.
Ayon pa sa DRRMO, base sa karanasan ng mga residente sa lugar ay posibleng abutin pa ng dalawa hanggang tatlong araw pa bago humupa ang baha.
Ganito rin ang nararanasan sa mga bayan ng Calauag, Gumaca, Buenavista at Catanauan na pawang nasa Southern Quezon na kung saan ay nagkaroon ng landslide sa mga bahagi ng highway ng bayan ng Guinayangan at General Luna.
Batay pa rin sa tala ng PDRRMO, umabot sa nasa 20 libong indibidwal ang nailikas subalit, nagsipaguwian na rin ang mga iba maliban sa mga residente ng barangay Canda Ibaba na lubhang apektado ng pagbaha.
Ang nasabing bahagi ng highway ay mababang lugar na nasa gilid ng dagat at mga palayan naman ang kabilang bahagi na nakaapekto rin umano ng pag-sabay ng hightide at pag-apaw ng ilog sa lugar. BONG RIVERA
Comments are closed.