ILANG BAYBAYIN SA BANSA NAKA-RED TIDE ALERT

red tide

KINUMPIRMA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture (DA) na delikado sa nakalalasong ‘red tide’ ang ilang baybayin sa Filipinas.

Ayon sa pinakahuling ulat ng DA-BFAR, lumabas sa kanilang pinakabagong pagsusuri ng laboratory result na nananatiling positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang Puerto Princesa Bay ng Puerto Princesa City, Palawan gayundin ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.

Samantalang nakataas pa rin ang red tide alert sa karagatan ng Western Samar partikular ang Irong-Irong, San Pedro at Silanga; maging ang Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte.

Kasunod nito, pi­nayuhan ang residente sa naturang mga lugar na huwag na munang manguha, magbenta o kumain ng lamang-dagat hanggat hindi pa nagbibigay ng panibagong abiso ang pamahalaan na ang naturang mga baybayin ay hindi na apektado ng nakamamatay na red tide. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.