NAGPALABAS ng anunsiyo ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko hinggil sa pagpopositibo ng ilang baybayin ng Visayas at Mindanao sa red tide toxin.
Sa babalang inilabas ng ahensya ay pinag-iingat nito ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na mula sa mga sumusunod:
Capiz – Sapian Bay, Roxas City, President Roxas, Panay, Pilar
Iloilo – Gigantes Islands, Carles
Bohol – Dauis, Tagbilaran City
Zamboanga del Sur – Dumanquillas Bay
Samantala, bukod dito ay nilinaw naman ng ahensya na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta’t huhugasan at niluluto ang mga ito ng mabuti bago kainin. EVELYN GARCIA