(Ilang buwan nang hindi nakapapamasada) HANAY NG UV EXPRESS NAGPROTESTA NA

UV Express

NAGLUNSAD ng kilos protesta ang hanay ng UV Express sa tapat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  Huwebes  ng umaga upang ipanawagang payagan na silang makapamasada.

Sinabi ni Rommel Lansangan, pangulo ng UV Express Federation QC na hirap na hirap na ang mga tsuper at pamilya ng mga UV express sa halos  pitong buwang nakatambay ang kanilang mga sasakyan.

Panawagan ni Lansangan kay LTFRB Chairman Martin Delgra na payagan na silang makapamasada sa Metro Manila gayong unti-unting nagluluwag na ang galaw sa Kalakhang Maynila.

Ani Lansangan, tila napag-iiwanan na ang kanilang hanay gayong wala man lamang natanggap ng kahit anong ayuda ang UV Express community.

“Seven months na po kaming nakatengga at walang ayuda, may mga reports din na pati drivers ng UV Express nanlilimos na rin, maawa naman sila,” (DOTR/LTFRB),” saad ni Lansangan.

Ilan sa daing ng UV Express community ay ang bayarin nila sa upa sa mga terminal, pambayad sa kanilang hinuhulugang sasakyan, kawalan ng ayudang natanggap mula sa pamahalaan.

Nakipagsanib puwersa naman ang Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) sa pangunguna ng kanilang national president na si Efren de Luna sa naturang motorcade bilang suporta sa transport group. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.