ILANG JAPANESE INVESTORS MALAMANG NA UMALIS NG BANSA

INVESTORS

NANGANGANIB na mag-pull out ang ilang Japa­nese firm sa mga economic zone sa Cebu ng kanilang investment sa bansa sakaling isabatas ang second package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ito’y batay sa May to June survey ng Japanese Chamber of Commerce and Industry of Cebu Incorporated sa halos isandaan (100) nilang miyembro na rehistrado sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Dalawampu’t pitong (27) porsiyento o halos tatlumpu (30) sa mga naturang kompanya ang nagsabing posibleng mag-pull out ng kanilang inilagak na puhunan sa oras na isabatas ang TRAIN 2 o Trabaho Bill.

Labing-pitong (17) porsiyento o halos dalawampu (20) naman ang posibleng ilipat sa ibang bansa ang kanilang operasyon habang dalawampu’t siyam (29) na porsiyento o tinatayang tatlumpu (30) ang maaa­ring magbawas ng produksiyon o tauhan.

Comments are closed.