INILABAS na ng Food and Drug Administration ang listahan ng brands ng mga delatang ini-recall dahil sa isyu ng African Swine Fever (ASF).
Ang mga brands na pinabawi ng FDA ay: Heaven Temple, Highway, Ma Ling, Narcissus, Shabu Shabu, Sky Dragon, Sol Primo, Wang Taste of Korea, at Weilin.
Noon pang nakaraang linggo ipinag-utos ng FDA ang recall sa mga pork product mula sa bansang may ASF.
Una rito ay ipinanawagan ni Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) President Boy Tiukinhoy na pangalanan ang imported brands sa pangambang maapektuhan ang local brands sa isyu ng sakit.
Sinegundahan ito ni Laban Konsyumer President Vic Dimagiba at sinabing may karapatan sa impormasyon ang mga konsyumer upang makapamili sila nang maayos.
Hindi mapanganib sa tao ang ASF ngunit makaaapekto ito sa mga baboy na posible nilang ikamatay at magdulot ng malaking epekto sa local pork industry.
Comments are closed.