INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na parang nasa Pilipinas lamang din siya matapos ang inihandang arrival honors sa kanya ni Indonesian President Joko Widodo sa Jakarta.
Ayon sa Pangulo, kaya pinili niya ang Indonesia na unang bisitahin ay dahil sa halos magkaparehong kultura nito at ng Pilipinas.
Bahagi ng naging aktibidad ng Punong Ehekutibo ang pagtatanim ng puno sa hardin ng Bogor Palace kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at nilagyan ng kanyang pangalan ang signage.
Nagpapasalamat naman ang Pangulo kay Widodo dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya at naniniwala ang presidente na hindi siya nagkamali sa kanyang unang binisitang bansa upang mas lalo pang mapagtibay ang magandang uganayan ng Pilipinas at Indonesia.
Iba’t ibang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
Bibili rin ang Pilipinas ng air at sea assets mula sa nasabing bansa.