INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ilang kawani nito ang sinibak sa puwesto na umanoy nagbibigay proteksyon sa sindikato ng kolorum.
Ayon sa pahayag ni MMDA chairperson Romando Artes, agad na natukoy ang mga tauhan ng ahensiya na posibleng sangkot sa naturang gawain partikular na sa anti-colorum unit at intelligence investigation office ng ahensiya.
Pinabulaanan din ng opisyal na nagbibigay ng proteksiyon sa sindikato ng colorum ang MMDA.
Kaugnay nito, nagsasagawa na ng imbestigasyon hinggil sa naturang usapin at nakikipagtulungan na ang MMDA sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa paghahain ng criminal complaints sa mga sangkot na personnel ng ahensiya. EVELYN GARCIA