ILANG KOMPANYA NG LANGIS NAG-ROLLBACK

LANGIS-3

UMARANGKADA na ang tapyas presyo ng ilang kompanya ng langis kahapon ng umaga at inaasahang susunod na rin ang iba pang kompanya sa susunod na araw.

Nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrol­yo  ang Phoenix Petroleum.

Narito ang rollback ng Phoenix: diesel—P0.60 bawat litro; gasolina —P0.30 bawat litro.

Wala pang anunsiyo ang ibang oil firms kung magkano at kailan sila magpapatupad ng bawas-singil.

Ayon sa mga taga-industriya, narito ang inaasahang rollback batay sa galaw ng presyo sa world market: diesel, P0.60-P0.70 kada litro; gasolina —P0.30-P0.40 kada litro at kerosene —P1.30-P1.40 kada litro.

Kung susumahin mula Enero, pumalo na sa halos P5 ang na­ging rollback sa presyo ng diesel at higit P3 sa gasolina.

Comments are closed.