NAG-ABISO na ang ilang kompanya ng langis na magpapatupad ang mga ito ng rollback kasunod ng galaw ng presyo sa world market.
Muling naunang magbawas ng presyo ang Phoenix Petroleum na sinabayan ng Seaoil nitong alas-6 ng umaga kahapon.
Rollback ng Phoenix at Seaoil: Diesel → P0.30 kada litro; Gasoline → P0.15 kada litro; Kerosene → P0.30 kada litro.
Magpapatupad ang Petro Gazz ng kanilang price rollback sa produkto ng petrolyo simula alas-6 ng um-aga ng Martes, Disyem-bre 18 tulad ng: Diesel P0.30 kada litro; gasoline P0.15kada litro.
Ang Petro Gazz naman ay sa Martes pa ang rollback pero sinabi na nila kung magkano ang ibabawas sa kanilang presyo.
Rollback ng Petro Gazz: Diesel → P0.30 kada litro; Gasoline → P0.15 kada litro.
Inaasahang ano mang oras ay susunod nang mag-aanunsiyo ng tapyas-presyo ang iba pang malalaking kompanya ng langis.