ILANG LOCAL AIRLINES SUSPENDIDO PA RIN ANG MGA BIYAHE HANGGANG MAYO 31

airlines

TULOY  ang suspensiyon ng mga biyahe ng ilang local airlines hanggang sa Mayo 31 dahil sa patuloy na pag-iral ng  enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Ayon sa Cebu Pacific, suspendido pa rin ang lahat ng kanilang domestic at international flights hanggang sa katapusan ng buwan samantalang suspendido rin ang domestic flights ng Skyjet Airlines.

Sinabi ng Cebu Pac na ang mga apektadong pasahero ay maaaring magpa-rebook ng flight nang walang charge, maaaring ilagay sa travel fund ang halaga ng ticket o kaya naman ay i-refund.

Ang mga customer na may naka-book na flights sa pagitan ng Hunyo 1 hanggang Setyembre  30 at puwede na ring magpapalit ng travel dates.

Samantala, ipinabatid naman ng Philippine Airlines na kanselado pa rin ang mga biyahe nila patungo at mula sa Maynila, Cebu at Clark hanggang Mayo 31.

Gayunman, inihayag ng PAL na ini-evaluate pa nila ang posibilidad ng pagbiyahe sa labas ng bansa o domestic flight papunta at mula sa Davao sa pakikipag ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Sinabi pa ng PAL na plano nitong mag-operate ng kakaunting lingguhang flight sa maraming domestic route at ilang piling international route simula sa Hunyo  1 bagamat isinasapinal pa nila ang mga ito. DWIZ882

Comments are closed.