ILANG LUGAR SA BANSA APEKTADO PA RIN NG RED TIDE

POSITIBO pa rin sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit ang ilang lugar sa bansa, ayon sa  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa Shellfish Bulletin No. 05, Series of 2024 ng BFAR, ang mga apektadong lugar ay ang  coastal waters ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at  coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” babala ng BFAR.

Ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta sariwa ang mga ito, huhugasang mabuti, at aalisin ang internal organs tulad ng hasang at bituka bago lutuin.