Sa kabila ng nakataas ngayong Lunes ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa eastern portions ng Mainland Cagayan, Isabela, at northeastern portion ng Catanduanes dahil sa bagyong Leon na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), inaasahang lilihis ito sa bansa at inaasahang magpapaulan sa northern at southern Luzon.
Ayon sa Philippine Atmopspheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyong Leon, 840 kilometers silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers per hour(kph), may bugsong 105 kph, direksyon nitong tatahakin westward at pagkilos na may bilis na 10 kph.
Sa mga susunod na oras posible pang lumakas ang nasabing bagyo na maaaring umabot sa typhoon category.Sa kabila nyan, inaasahang lilihis ang bagyong Leon sa bansa base sa forecast track ng PAGASA.Inaasahan itong magla -landfall sa Taiwan sa Biyernes.
Base sa rainfall forecast ng metro weather, uulanin ang ilang bahagi ng northern and southern Luzon,Visayas at Mindanao.Posible pa umano ito mgdulot ng pagbaha at landslide.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia