UMAPELA ang mga negosyante sa pamahalaan ng Masbate at Catanduanes na pahintulutan silang maipasok ang mga trak na may kargang bigas, gulay ,de lata,harina at iba pang kalakal
Ito ay nang matengga sa ilang pier sa Kabikolan bunsod na rin sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine noong nakaraang linggo.
Ayon sa mga supplier ng pagkain mula sa Virac Catanduanes at Masbate City, tanging bigas mula sa
National Food Authority(NFA) ang may sapat na stocks ngunit kukulangin din ito dahil sa ipinapamahagi.
Bagama’t pinahintulutan na ni Masbate Gov.Antonio Kho at City Mayor Rowena Tuason ang pagdaong ng barko tanging mga gamot,vitamins, medical equipments, bottled water, gatas, asukal, harina at produktong petrolyo lamang ang pinayagang ikarga.
Kaugnay nito ay todo bantay naman ang Maritme Police at Philippine Coast Guards sa karagatan ng mga lalawigang ito. NOR-MAN LAURIO
Comments are closed.