ILANG coastal areas sa Visayas at Mindanao ang positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa kanilang latest bulletin, sinabi ng BFAR na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha mula sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Carigara Bay at coastal waters ng Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Villareal, Cambatutay, at San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
Samantala, ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimasag.
Kailangan lamang na sariwa, hugasang mabuti, at alisin ang lamang loob tulad ng hasang at bituka bago lutuin.
796224 832684Perfectly written topic material , thanks for selective details . 833762