ILANG MAHUSAY NA IDEYA SA PANG-SIDELINE SA 2023

KUMUSTA, ka-negosyo? Nakapagsimula ka na ba sa proyektong kumikita? Kung hindi pa, naghanap-hanap ako ng ilang mga ideya na baka sakaling makuhanan mo ng inspirasyon sa darating na 2023.

Sa ngayon, may mga sideline o side hustles ako na ginagawa online. Eto na kasi ang mundo na ginagalawan ko mula 2018. Ano-ano ba ang mga ginagawa ko? Nagba-blog ako, gumagawa ng mga website, at nag-SEO para sa mga kliyente. Paminsan-minsan, nagsusulat din ako kung may mga nangangailangan. Pero sa totoo lang, kalaban ko na ang mga AI na nakakagawa na rin nito.

Kung seseryosohin mo, ang mga sideine sa 2023 ay magbabayad ng higit sa mga nakagisnan mong trabaho. Pumili lang at magplano ng side hustle na babagay sa personalidad at oras mo. Sa kasanayan na alam mo, mas mabuti na idikit din ito.

Samakatuwid, ang isang side hustle ay isang karagdagang mapagkukunan ng kita. Ito ay nagdaragdag sa iyong kita upang mabawi ang tinatawag cost of living o ang pamumuhay mo sa araw-araw na mas humirap na nga dahil sa inflation at iba pa. Maaari itong makabuo ng paulit-ulit na kita para sa dagdag na gastos sa pamumuhay o siyempre – sa mga luho. Maaaring ito ang iyong maging pangunahing kita, na nagpapahintulot sa sa iyo na huminto sa kasalukuyang pang-araw-araw na trabaho. Ganito na nga rin ang buhay ko ngayon.

Tara na at matuto!

#1 Gumawa ng blog

Ito na ang inuna ko dahil ito na mismo ang ikinabubuhay namin ngayong mag-asawa. Nagsimula akong mag-blog noong 2005 pa (o mas matagal pa dun!). Pero nagsimula akong kumita rito noong 2011 mula sa ads.

Noon, mas mahirap magsimula, pero ngayon, maraming paraan para gumawa nito. Meron pa ngang vlogging na sa YouTube na ginagawa.

Pero pokus muna tayo ngayon sa blog.

Una, simple lang magsimula. Gagawa ka lang sa WordPress o Blogspot, Pensu, Klusster, at marami pa. Kahit anong topic ang gusto mo, basta alamin mo lang kung saan ka mas komportable. Pati nga rin kung Ingles man o Tagalog. Basta, alam mo ang ilalathala mo ay ok na.

Paano kumita? Simple lang. Sa Google adsense ka puwedeng kumita kapag may magandang trapiko ka na ng mambabasa. Kaya mas ok kung ipo-post mo sa mga social media ang mga isinusulat mo para dumami ang pumunta sa blog mo.

Puwede ka ring kumita sa mga nais na magpalathala sa iyo at babayaran la ng isang fee. Siguro, simula sa 2,000 pesos kada sulat at post, puwede na ‘yun!

#2 Gumawa ng YouTube Channel

Ang kaibigan ko at dati kong head ng Digital na si Aja Andrada ay kilala na ngayong “Yow” sa YouTube. Oo, super sikat na siya at noong magdesisyon siyang mag-vlog sa YouTube, doon na nagsimula ang paglago ng kita niya.

Malaki ang naitulong ng Team Payaman sa kaniyang karir dahil sa tulong ng grupo na pinamumunuan ni CongTV.

Maraming paraan ng pagkita dito ngunit ang adsense ang pinakasikat na pamamaraan. Kung meron kang 100,000 na subscribers sa YouTube mo, puwede kang kumita mula 20,000 pesos hanggang 40,000 pesos kada buwan o mas higit pa, depende sa inilalabas mong video na nakakakuha ka ng mga manonood. Lalo pa’t naging viral ito, mas malaki ang maaabot mong mga tao at ‘yun ang magpapalaki na rin ng kita mo.

Puwede ka ring kumita sa mga nagpapa-post sa yo na nagbabayad ng malaking halaga. Kung meron kang 100,000 subscribers, 5,000 pesos ang kada labas ng video na maaaring kitain dun.

#3 Maging Virtual Assistant (VA)

Ang pagiging isang virtual assitant o VA ay walang alinlangan na isang mahirap na gawain. Gayunpaman, tiyak na sulit ito dahil may malaking pangangailangan para sa mga VA sa lahat ng industriya. Ang isang virtual assistant ay kadalasang nakikitungo sa maliliit at paulit-ulit na mga gawain tulad ng pagwawasto ng grammar, pamamahala ng blog, pag-upload ng mga video sa YouTube, at iba pa.

Mayroong ilang mga benepisyo ng pagiging isang virtual assistant. Maaari kang magtrabaho kahit saan at ang iyong kita ay nakasalalay lamang sa uri ng mga gawain na iyong ginagawa. Kahit na ang mga baguhan na virtual assistant ay may posibilidad na maningil ng humigit-kumulang $15 hanggang $20 kada oras. Gayundin, marami kang matututunan mula sa iyong mga kliyente, na makatutulong sa iyong ilunsad ang sarili mong negosyo sa takdang panahon.

Paano magsimula? Alamin ang mga kasanayan mo na maitutugma sa pangangailangan ng mga negosyante. Tumungo ka sa mga Facebook Groups na naghahanap ng VAs at alamin ang mga pangangailangan kung tutugma sa kasanayan mo. Maaari na ring may mga recruiter doon. Kaya puwede mo nang alamin kung may makakakuha sa iyo at sa magkanong halaga. (Sundan sa pahina 3)

#4 Mag-freelance

Bagama’t gusto ng bawat negosyo na buuin at palaguin ang presensiya nito online, karamihan ay walang sapat na oras o kadalubhasaan para bumuo at magpanatili ng website nang mag-isa. Dito mapatutunayang karapat-dapat ang mga freelancer sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang serbisyo. Kung mayroon kang talento o karanasan sa mga gawain tulad ng pagdidisenyo ng website, pamamahala ng social media o paglikha ng nilalaman nga mga ito, maaari kang kumita sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga serbisyong freelance.

Makakahanap ka ng mga freelance na trabaho sa mga website tulad ng Upwork, Fiverr, at Guru. Karamihan sa mga bagong freelancer ay kumikita sa pagitan ng $20 at $40 kada oras, habang ang mga may karanasan ay makakakuha ng $50 hanggang $100 (o higit pa) kada oras. Ang freelancing ay isang tunay na mahusay na paraan upang kumita ng pera sa iyong sariling mga tuntunin.

#5 Maging isang social media manager

Ang isang social media manager ay may pananagutan sa paglikha at pamamahala ng social media page. Sinuman na may ilang karanasan sa pamamahala ng social media ay maaaring maging manager ng social media account ng ilang negosyo. Bilang isang social media manager, matutulungan mo ang mga negosyo na i-promote ang kanilang mga serbisyo o produkto sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platform gaya ng Twitter, Instagram, at Facebook.

Kailangan mo ring magkaroon ng isang malakas na pag-unawa sa bawat platform ng social media at ang kakayahang lumikha ng nakakaakit at kaakit-akit na nilalaman o posts. Bilang isang social media manager, ang iyong mga kita bawat oras ay maaaring mula sa $15 hanggang $50, depende sa iyong karanasan. Gusto rin ng ilang tao na maningil bawat proyekto, mula $1000 hanggang $1500 bawat buwan para sa bawat proyekto. Puntahan muli ang mga websie ng Fioverr, Kwork, Upwork, Guru at iba pa upang makasungkit ng trabaho online.

Konklusyon

Oo, marami pang mga sideline na puwedeng gawin na ‘di na kasya sa pitak na ito sa isang bagsakan. Tatalakayain natin ang iba pa sa mga susunod na pitak.

Sa ngayon, magsimulang magsaliksik upang makita mo ang tutugma sa mga kasanayan mo.

Ipagdasal mo ang bawat gawain at desisyon at tiyak na aayon sa yo ang paghahanap ng pagkakakitaang sideline.

o0o
Si Homer ay makokontak sa email niyang [email protected].