UMARANGKADA na kahapon, Disyembre 27, ang mandatory registration ng SIM cards na ang layunin ay labanan ang text messaging fraud sa bansa.
Kaugnay nito, ilang mobile users na agad na nagparehistro ng kanilang SIM cards ang nakaranas umano ng ilang problema sa pagpapatala.
Kabilang sa mga problemang naranasan ng mga ito ay ang hindi paggana ng link na ibinigay ng kanyang telephone company.
Ang ilang users naman ay nagrereklamo dahil sa tami ng rekisitos na hinihingi bago makapagrehistro.
Matatandaang noong Oktubre, una nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas hinggil sa SIM registration.
Ang mga mobile user ay bibigyan ng 180-araw upang irehistro ang kanilang ginagamit na mga SIM cards upang hindi ma-deactivate ang mga ito.
Ang mga bagong SIM card naman ay kailangan munang irehistro online para ma-activate at magamit ang mga ito.
Kinakailangan umano ng mga mobile users na ibigay ang kanilang buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, address, magprisinta ng balidong government ID at numero nito, at iba pa sa pagpaparehistro.
EVELYN GARCIA