ILANG NEGOSYO TUMIGIL SA RUSSIA-UKRAINE CONFLICT

HALOS isang buwan na ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at sa bawat digmaan ay hindi lamang buhay at ari-arian sa lugar ang naapektuhan kundi ang kabuhayan ng maliliit na negosyante sa mga bansang umaasa sa produktong mula sa dalawang bansa.

Nagdulot ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ang patuloy na digmaan dahil sa ipinataw na economic sanction kay Russian President Vladimir Putin.

Domino effect nito ay ang pagtaas din ng presyo ng petrolyo sa Pilipinas, gayundin ng harina na isa sa mga produkto ng dalawang bansa.

Isa sa naapektuhan ang
Micro, small and medium enterprises (MSMEs) na malaki ang gampanin sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, lalo na ang nasa food at retail sectors.

Hindi maikakaila ang pagtaas ng presyo ng mga tinapay at iba pang produktong gawa sa harina.
Naramdaman ito hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga probinsiya rin tulad ng maliit na negosyo ng mag-asawang Derek at Baby Masigan sa Centro, Sta. Maria, Isabela.

Bagama’t hindi nagsara ay napilitang tumigil sa paggawa ng tinapay ang kanilang mga panadero dahil hindi na kakayanin ang mataas na presyo ng harina bukod pa sa ibang sangkap ng paggawa nito, at swelduhan ang kanilang mga panadero hindi katulad ng ibang bakery sa lugar na ang may ari mismo ang nagmamasa ng tinapay.

Bawas kita rin sa transport sector ang Russia-Ukraine crisis dahil sa mahal na oil products
Maaring matagalan ang epekto ng nangyayaring krisis sa Russia at Ukraine kaya ang kailangang gawin ng mga Pilipino ay maghigpit ng sinturon, magmasid at manalangin.