ILANG OFWs UMALMA SA 14-DAY QUARANTINE PERIOD

QUARANTINE

PARAÑAQUE CITY – BAGAMAN walang magagawa, malamig ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa requirement na manatili ng 14 araw sa quarantine upang matiyak na ligtas sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Ayon sa isang OFW na galing sa Macau, nabawasan ang araw na sana’y bakasyon niya sa Filipinas dahil mananatili siya ng 14 days sa quarantine.

Ang 14-day quarantine ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matiyak na hindi lalawak ang kaso ng Wuhan virus sa bansa.

Kabilang naman sa mga lugar na may restrictions ay China, Hong Kong, at Macau.

Sa record, mayroon nang dalawang kumpirmadong kaso ng nCov, ang isa ay namatay habang ang isa ay umaayos na ang lagay.

Apatnapu’t walo pa ang patuloy na ino­obserbahan sa nasabing kaso. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.