ILANG OIL FIRMS NAG-ROLLBACK SA GASOLINA; DIESEL AT KEROSENE SUMIPA

PETROLYO-19

SASALUBONG sa mga motorista ang mababang presyo ng gasolina ngayong linggo, pero tataas ang singil sa diesel at kerosene.

Sa isang abiso, sinabi ng SEAOIL Philippines Inc. na ibababa nila ang presyo ng gasolina bawat litro, habang itataas naman ang presyo ng diesel sa P0.40 kada litro at kerosene ng P0.30 kada litro.

Magpapatupad din ang Cleanfuel at Phoenix Petroleum Philippines Inc. ng parehong pagbabago maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Magiging epektibo ang pagbabago simula ngayong araw ng Martes, 6 ng umaga.

Nauna na ring nag-anunsiyo ang Petro Gazz at Pilipinas Shell Petroleum Corp. ng parehong adjustments.

Ayon sa huling datos na ibinigay ng Department of Energy (DOE), ang adjustments noong 2019 ay nasa net increase ng P7.32 kada litro para sa gasolina, P5.81 para sa diesel, at P0.35 para sa kerosene.

Comments are closed.