ILANG ospital na ang naghahanda sa pinangangambahang pagdami ng pasyente matapos na magkaroon na ng kaso ng bagong COVID variant sa bansa.
Sinasabing mas nakahahawa ang variant na ito at mabilis ang pagkalat kaya ayon kay Dr. Rontgene Solante, Head ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department ng San Lazaro Hospital, na mas palalakasin nila ang kanilang infection control measure sakaling may pasyenteng madala sa kanila.
Noon pa man ay inaasahan na ni Solante na tataas ang kaso ng coronavirus pagkatapos ng holiday season, lalo na ngayong nasa bansa na ang new variant.
Sinabi pa nito na sa kasalukuyan ay wala pang ebidensya na ang bagong variant ng COVID-19 ay nangangailangan ng ibang pamamaraan ng paggamot kumpara sa original strain na kumitil na ng milyon milyong katao sa buong mundo.
Nananatiling mababa sa 50% ang occupancy rate ng San Lazaro Hospital sa nakalipas na dalawang linggo matapos ang holidays. NENET VILLAFANIA
Comments are closed.