ILANG PAARALAN SA BICOL REGION NAGSUSPINDE DAHIL SA SHEAR LINE

NAGSUSPINDE  ng klase ang ilang paaralan sa Bicol region dahil  sa malakas na ulang dulot ng shear line.

Kabilang sa mga lalawigan na nakaranas ng shear line ang Camarines Norte, Camarines Sur, Ca­tanduanes, Albay, Sorsogon  at Masbate.

Sa Albay, nakapasok na ang mga estudiyante sa paaralan  ng Polangui, Malilipot, Sto Domingo, Pio Duran, Daraga, Camalig, Bacacay at Legazpi City, bago paman nai-anunsyo ang suspensiyon.

Kaya naman pinauwi na lamang ang mga estudiyante at binilinan na duimiretso sa bahay para sa kanilang kaligtasan.

Maaga namang nagsuspinde ng klase ang Camarines Norte  na inanunsyo Linggo ng gabi pa malakas ang ulan.

Ayon kay Camarines Norte Governor Dong Padilla, mataas na ang baha sa ilang paaralan sa kanilang lalawigan .

Nauna nang inanunsyo ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) na tatlong weather systems ang magdadala ng ulan sa iba’t ibang panig ng bansa kahapon, Lunes, December 9.

Ang shear line anila ay makakaapekto sa eastern section ng Central at Southern Luzon, magdadala ito ng kalat-kalat na  pag-ulan at thunder storms sa Bcol region, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon at Aurora.

Makararanas din ng parehong panahon ang Visayas, Mindanao at Palawan dahil sa inter-tropical convergence zone (ITCZ).

Hanging amihan naman ang mararanasan sa Northern Luzon  na magdadala din ng ulan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).

EUNICE CELARIO