PATULOY na pinupunan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa kanyang ahensiya.
Kabilang sa mga itinalaga ng Pangulo ay sina Franz Josef George Espina Alvarez bilang acting president, Chief Executive Officer and Member, Board of Directors ng Philippine National Oil Company Exploration Corporation.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Angeles na itinalaga ng Pangulo si Sandiganbayan Justice Alex Quiroz bilang chairman ng Governance Commission for Government-Owned or Controlled Corporations.
Itinuloy rin ng Pangulo ang pagtatalaga kay Raphael Perpetuo Lotilla bilang Secretary ng Department of Energy.
Itinalaga rin si Rosalia Villegas de Leon bilang Treasurer of the Philippines, Philippe Jones Lhuiller bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Kingdom of Spain, kasama na ang Canary Islands,Pedro Ramirez Laylo bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the State of Israel.
Si Emmanuel Buenaflor Salamat bilang Executive Director ng National Secretariat of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Si dating Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Verano Densing III ay itinalaga bilang Undersecretary ng Department of Education.
Pinanatili naman sa puwesto ng Pangulo si J. Prospero de Vera III bilang Chairperson ng Commission on Higher Education.
Si Ferdinand Galvez Sevilla ay itinalaga bilang presidente ng Philippine Public Safety College, Department of the Interior and Local Government habang si Benny Diaz Antiporda ay Acting Administrator at miyembro ng Board of Directors ng National Irrigation Administration at Monica Prieto Teodoro bilang Special Envoy of the President to the United Nations Children’s Fund (UNICEF).