KUMPIRMADONG nagde-date na ang dalawang bida sa Korean hit series na “Crash Landing on You” na sina Hyun Bin at Son Ye Jin.
Ayon sa ulat, mismong ang agency ni Hyun na VAST Entertainment ang nagbunyag na nagkakamabutihan na nga ang dalawa na nagsimulang naging close nang gawin ang sumikat na CLOY na kinagiliwan din ng mga Pinoy.
Ilang oras matapos ang pagkumpirma na ‘dating’ na nga ang dalawa ay nag-post naman ang Korean actress sa kanyang Instagram ng litrato ng isang basket ng bulaklak, na may caption:“It’s a new year,” na s translated ng Soompi. “Appearing in front of all of you with news about my personal life rather than work-related news for the first time, I wonder why I feel so embarrassed.”
“Yes, that’s how it turned out,” ang pahayag ng aktres na hindi binabanggit ang relasyon kay Hyun Bin.
May walong buwan na umanong nagde-date ang dalawa at nabanggit pa ng aktres sa isang panayam kung gaano siya kasaya na nakilala niya ang isang mabuting tao na si Hyun Bin.
Marami namang Filipino celebrities ang natuwa sa pagkakabunyag ng relasyon nina Son at Hyun.
Ayon kay Bianca Gonzalez, good vibes ito para sa kanya habang si Janine Gutierrez naman ay sobrang na-excite sa masayang balitang ito, pahayag niya sa kanyang tweet. KALI CHAN
Comments are closed.