ILANG PINOY PILGRIMS, NAGKA-PROBLEMA SA IMMIGRATION SA SAUDI ARABIA

NAGTUTULUNGAN  na ang Philippine Embassy sa Riyadh at ang Philippine Consulate sa Jeddah, Saudi Arabia sa pagresolba sa naging problema sa immigration ng ilang Filipino pilgrims.

Partikular ang ilang Pinoy Muslims na nagkaroon ng immigration issue pagdating sa Madinah, Saudi Arabia.

Tiniyak din ng embahada na gagawin nila ang lahat ng paraan para mapagaan ang proseso sa pagdalo ng Filipino pilgrims sa nasabing sagradong pilgrimage.

Kinumpirma rin ng Philippine Embassy na nai-turnover na nila sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang medical supplies at equipments na maaaring kailanganin ng pilgrims.
CRISPIN RIZAL