MILAN – INARESTO ang ilang Filipino sa paglabag sa kautusan ng gobyerno ng Italya kontra Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Magugunitang mahigpit ang pagpapatupad sa nasabing kautusan.
Gayunman, hindi umano alam ng mga nahuling Filipino at maging ilang Italian ang naturang kautusan.
Hindi naman matiyak kung ikukulong ang mga nasita ng tatlong buwan at nagbayad ng 206 Euro o katumbas ng mahigit P11,800 matapos madakip ng mga naka-deploy na sundalo.
Unang ipinatupad ng Italy ang lockdown sa kanilang bansa at may ipinalabas na batas kung saan pipirma ang mga tao ng dokumento at ipiprisinta sa awtoridad bilang permit para sa kanilang mga lakad. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.