USA – ILANG Filipino ang nagagalak sa pagbubukas muli ng Hawaii Volcano National Park makaraang isara ito dahil sa pagputok ng Kilauea Volcanoe.
Una nang inanunsiyo ng Big Island ang pagbubukas sa publiko ng operasyon ng nasabing liwasan.
Isinara ito matapos ang halos tatlong buwan dahil sa pagputok ng Kilauea Volcano.
Itinakda ang opening ng parke sa Setyembre 22.
Sa kasalukuyan ay inaayos na ang mga nasirang hotels, kalsada, linya ng koryente, tubig at iba pa habang kabilang ang ilang Filipino sa construction workers.
Ang pagbubukas ng mga naapektuhang hotel ay isasabay naman sa pagsasara sa mga evacuation center.
Nabuhayan din ng loob ang mga empleyado ng mga hotel kabilang ang Pinoy workers sa pagbubukas ng parke. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.